Child prostitution incident, dumarami sa mga SNS community


Oct. 21, 2017 (Sat), 1,407 views

Ayon sa news na ito, dumarami sa ngayon ang mga nagiging biktima ng child prostition dito sa Japan na mga SNS community ang nagiging tulay. Inilabas ng Japan Police Agency ang kanilang data na naitala for the first half of year 2017, at ayon dito umaabot ito sa 919 katao.

Karamihan sa mga biktima ay gumamit ng Twitter at umabot ito sa 327 katao na pumapatak sa mahigit 30%. Ang mga ginagamit na smarphone ng mga biktimang bata ay walang mga filtering na nilalagay ayon sa mga pulis kung kayat madali para sa mga ito na maka-access sa mga SNS community.

BACK TO CATEGORY INFO LIST