Nambubuhos ng ihi at nandudura sa mga babae, huli ng mga pulis


Jan. 18, 2018 (Thu), 2,426 views

Tokyo Adachi-Ku. Isang lalaki, age 33 years old, walang work ang hinuli ng mga pulis matapos nitong duraan ang isang babae na nasa twenties ang age na papasok sa work. Sakay ng kanyang bike, dinuraan nya ang babae ng kanya itong malampasan.

Ayon sa mga pulis, meron silang natatanggap na report mula sa 15 kataong naging biktima ng same incident na ito mula noong May 2017 kung saan ang iba ay binuhusan pa ng ihi nya na nilagay sa isang bottle.

Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya at ayon dito, meron syang complex sa mga babae, at gusto nyang makuha ang mga attention nito. Mahigit 50 cases daw ang kanyang nagawa ayon mismo sa pahayag nya.

BACK TO CATEGORY INFO LIST