Omise Vocabulary
This page is a compilation of most common Japanese vocabulary and phrases you can frequently heard and use when you are working in Omise. It includes Kanji, Katakana, Romaji and its respective meaning in alphabetical order. There are (14) vocabularies registered now. You need to LOGIN & ACTIVATE YOUR ACCOUNT to view all the list.
makura eigyou
- マクラ エイギョウ、 枕営業
Tawag ng mga Japanese sa act na ginagawa ng mga babae o lalaki na nagkakaroon ng physical relationship sa isang customer sa omise upang kumita at hindi mawala sa kanila ang kanilang customer na malakas magbigay ng benta sa kanila. Malimit din gawin ng iba upang makasigurado silang makakakuha ng request sa isang customer.
Unknown kung saan nagsimula ang term na ito, subalit kung titingnan mo ang meaning ng word na MAKURA means UNAN or pillow, it means na makikisamang matulog sa customer para magkaroon ng SALES (EIGYOU).
Sinasabing ang isang babaeng nagtatrabaho sa isang omise na malakas ang benta ay hindi ito ginagawa at madalas gawin ng mga babaeng walang halos benta o mahina sa mga customer. Common na itong gawain ng mga ilang nagtatrabaho sa omise, need nyo lamang mag-ingat dahil pag nalaman ng ibang babae o staff sa omise ay malaking kasiraan para sa isang babae.
mama
- ママ
Ang tinatawag na MAMA ay ang isang tao na syang main person in charge sa isang omise or lugar na nagbi-benta ng alak sa mga customer. Sya rin ang pinaka-responsible sa sales ng isang omise kung kayat bago pa man mag-umpisa ang business operation ng isang omise, kinakailangang alam na nya ang lahat-lahat na nangyayari at dapat gawin.
Responsible din sya sa pag-entertain sa mga customer, pagma-manage sa mga babaeng hawak nya, at pagpapasahod sa mga ito. Maging ang labas at pasok ng pera ay dapat din nyang ma-control at alamin. Mostly ang lahat ng omise ay meron isang taong tinatawag na MAMA na syang nakaka-alam ng lahat ng tungkol sa omise na hinahawakan nya.
menyu
- メニュー
Known as MENU in English. This is the menu list ng pricing ng mga services na binibigay ng isang omise kasama na ang price ng mga drinks at pagkain. Kadalasan din nakasulat dito mga set price nila. Ang mga ito ay hindi pare-pareho at depende sa lugar at standard ng mga omise. Kadalasan hindi nila ito nilalagay sa mga table, kung kayat need nyo pang tawagin ang isang boy or waiter para makuha ito.
misyuu
- ミシュウ、 未収
Ang term na tawag sa hindi pa nababayarang charge sa inumin, request sa babae at iba pang charge na pinapataw ng omise sa customer. Also known as URIKAKE or TSUKE in Japanese.
Kapag ang charge na dapat na bayaran ng isang customer ay hindi nya binayaran, madalas na responsibility ito ng tenchou ng omise. Upang makasiguro ang mga omise owner na wala silang malulugi, ang mga hindi bayad na charge ay kadalasang binabawas nila sa sweldo ng babae o staff na meron hawak sa customer mismo kung kayat kapag ganito ang rules, ang babae mismo ang gagawa ng paraan para masingil nila ang customer na hindi nagbayad.
mizu syoubai
- ミズ ショウバイ、 水商売
General term sa mga business about kyabakura, omise, club, pub, lounge, host club, bar, restaurant at iba pa. Its a business that is just like a water na patuloy na iikot at aagos.
Ang pinaka main characterstic nang business na ito ay hindi stable ang kita at depende sa mga papasok na customer. Madaling maapektuhan ng economy status, weather conddition, location, season and many more. As of now, kapag narinig ninyo ang term na ito, mostly ang tinutukoy nila ay mga work sa gabi tulad ng omise.