Lalaki, huli pangyayakap at panghihipo sa isang teenager


Feb. 17, 2018 (Sat), 2,262 views

Tokyo Chuuou-Ku. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang lalaki, age 26 years old, staff ng music instrument store sa molestation charge.

Ang lalaking ito ay biglang niyakap mula sa likod ang isang teenager na babae na papauwi at dumaan sa harap ng mansion na tinitirahan nya. Niyakap nya ito at hinipuan sa kanyang breast.

Nakunan sa CCTV ang kanyang ginawa na syang naging susi para sya ay mahuli. Inaamin naman nya ang charge laban sa kanya at ayon dito, di nya napigilan ang makamundo nyang pagnanasa.

BACK TO CATEGORY INFO LIST