City hall personnel, huli sa pagkuha ng malaswang video
Jan. 14, 2018 (Sun), 2,373 views
Kyoto City Fushimi-Ku. Hinuli ng mga pulis ang isang city hall personnel, age 37 years old, sa charge na pagkuha ng malaswang video (tousatsu) laban sa isang high school girl, age 16 years old.
Nangyari ang incident noong January 11 ganap ng 7:45AM sa hagdanan ng Chushojima Station. Ipinasok sa loob ng skirt ng lalaki ang dala nyang smartphone at kinunan nya ng video ito subalit nakita sya ng isang staff na nagmo-monitor at sya ay nahuli.
Nakita rin sa dala nyang smartphone ang dalawa pang video na nakuha nyarin sa iba nyang nabiktima.