Mga steps na dapat ninyong gawin bago ninyo ma-process ang ROFD
Aug. 24, 2017 (Thu), 1,936 views
Kung gusto nyong maayos ang inyong divorce sa Pinas, upang maibalik muli ang inyong marital status sa pagka-single, marami kayong dapat na ihanda bago ang actual processing ng RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE (ROFD) ninyo.
Bilang inyong guide, ang mga steps sa baba ang dapat ninyong gawin upang maisaayos nyo ng tama ang ROFD sa Pinas ng walang magiging problem. Mostly, ang mga ito ay dapat na alam din ng inyong lawyer na kukunin sa Pinas na syang mag-aayos o maglalakad ng inyong ROFD. Ang mga steps na ito ay ang mga sumusunod.
1. Isaayos ang divorce sa Japan
Kung nakapag-pasya na kayo ng inyong Japanese partner na maghiwalay, mostly magiging MUTUAL AGREEMENT ang divorce ninyo at madali lang itong gawin dahil magpapasa lang kayo ng documents sa city hall. Ayusin nyo ito hanggang sa maaprobahan nila upang makakuha kayo ng mga documents na need ninyo.
2. Prepare the needed documents
Kung tapos na ang divorce ninyo sa Japan, secure ninyo ang mga documents like KOSEKI-TOHON (Family Register), RIKON TODOKE (Divorce Application), JURI SYOUMEISYO (Acceptance Certificate), at NIHON MINPOU NO GAITOU JOUBUN BUNSYO (Japan Civil Lawa About Divorce). Ang mga ito ay napakahalaga kung kayat secure nyo ang mga ito.
3. Translate the documents in English
Dahil sa gagamitin sa Pinas ang mga documents na nakuha nyo sa Japan side, make sure na ipa-translate nyo ito sa English.
4. Authentication of Japanese Documents
Ang mga documents na nakuha nyo in Japan ay magiging valid lamang na gamitin sa Pinas or other country kung meron authentication ito ng Japan Ministry of Foreign Affairs (GAIMUSYO) or Public Notary Office (KOUNIN YAKUBA NINSYOU). Dalhin ninyo ang mga nakuha ninyong Japanese documents, at ipa-authenticate ito.
5. Authentication of Documents in Philippine Embassy
After the authentication in Gaimusyo, next nyo namang dapat gawin ay ang pag-apply ng RED RIBBON ng mga documents ninyo sa Philippine Embassy Office here in Japan. Dalhin nyo rin ang mga ito upang kanilang ma-process.
6. Actual ROFD processing sa Pinas
Kung naayos nyo na ang mga kailangang documents, now is the time na kumuha kayo ng lawyer sa Pinas para syang maglakad ng inyong ROFD. Need ninyong magawa ang step 1 to 5 dahil hahanapin din sa inyo ito ng mga lawyer sa Pinas.
Make sure to do the necessary preparation in Japan side bago kayo kumuha ng lawyer para maging smooth ang magiging process ng inyong ROFD.