Salary system na malimit sinusunod sa mga omise
Sep. 25, 2017 (Mon), 3,015 views
Unlike sa mga nagtatrabaho sa mga company or mga part timer worker lamang, maraming mga salary system ang pwede ninyong mapag-pilian sa omise. Kung hindi kayo talent at meron proper visa na gustong mag work sa mga omise, you can choose kung anong salary system ang gusto ninyo depende sa magiging usapan ninyo ng owner, so try nyong makipag negotiate.
Meron tatlong common salary system na sinusunod ng mga omise at ang salary ay depende sa magiging system na usapan ninyo. Ito ay ang mga sumusunod:
(1) Salary Per Hour Basis
KOTEI JIKYUU SHISUTEMU kung tawagin sa Japanese. Ang system na ito ay ang pinaka-common sa mga omise. This is the very basic na common nilang binibigay sa mga baguhan na papasok sa mga omise. Meaning, kahit na wala kang customer pa, wala pang benta or uriage na maipapasok, ito ang magiging salary mo na ibibigay nila sa inyo. Kung ilang oras kayong magta-trabaho naka-depende ang laki ng sahod ninyo. Ang merit nito is walang pressure masyado sa inyo dahil wala kayong tina-target na benta. Ang dis-advantage lang nito ay maaaring magiging maikli ang oras ninyo at mapapauwi agad kayo lalo na kung wala kayong customer na nakukuha pa at walang free customer na pumapasok kaya magiging maliit din ang sahod ninyo. Commonly ang per hour salary ay nag-uumpisa sa 1,500 above depende rin s amga omise.
(2) Slide Salary Per Hour Basis
Known in Japanese as SURAIDO SHIKI JIKYUU. This is the salary system na pwede nyong piliin kung confident kayo na meron kayong maipapasok na malaking uriage at marami kayong nakukuhang customer. Sa salary system na ito, magbabago ang per hour salary mo depende sa naipasok mong uriage or benta sa omise. Mag-start kayo sa pinaka-basic amount, then maaaring tumaas ito ng 100 YEN, 200 YEN or more pa per hour depende sa laki ng kita ninyo at bracket system na sinusunod sa pag-taas ng salary.
(3) Uriage Back Salary System
Known in Japanese as URIAGE BAKKU SHISUTEMU. This is the one na pinipili ng karamihan kung alam nilang malaki ang naipapasok nilang kita sa omise. Maraming hawak na customer at stable ang pasok nyang pera sa omise. Ang computation nito ay very easy, dahil ibibigay sa inyo as your salary ang total percent ng benta na naipasok ninyo. Kung ang usapan o napagkasunduan ninyo ay 50-50, then kung meron kayong naipasok na 100 lapad na benta sa isang buwan, magiging 50 lapad ang salary ninyo. Kadalasang nagbibigay or pumapayag na owner sa system na ito ay yong mga kakilala na rin nilang babae na alam nilang malakas ang benta at pasok ng uriage sa mga omise.
Maaaring meron pang ibang system na pwede ninyong request sa omise lalo na yong sa mga back na maaaring maibigay sa inyo at ito ay depende sa mapag-uusapan ninyo. So try to negotiate as possible lalo na kung confident kayo sa sarili ninyo.