Gaano katagal ang processing ng Certificate Of Eligibility (COE)?


Jun. 18, 2017 (Sun), 1,613 views

Ang processing ng COE para sa Japanese Spouse Visa application ay walang fix period dahil ito ay case by case. Ang itatagal ng processing nito ay depende sa bawat case ng isang applicant, at ng kanilang guarantor na asawang Japanese.

Ayon sa website ng Japan Immigration Office, ang maximum period ng processing nito ay umaabot sa 3 MONTHS. So kung ang inyong COE application ay hindi pa umaabot sa ganitong period, huwag kayong mabahala.

Kung sakaling malapit na dumating ang 3 MONTHS at wala pa ang result ng inyong COE application, its recommended na mag follow-up na kayo sa Immigration Office. Advisable na patawagin nyo na ang inyong asawang Japanese upang malaman nya ang actual status ng inyong COE application.

BACK TO CATEGORY INFO LIST