Ano ang gagawin kapag hindi binigay ang sweldo ninyo sa omise?
Sep. 07, 2017 (Thu), 2,293 views
Dito sa Japan, sa dami ng mga omise, maraming mga trouble ang common na nangyayari sa pagitan ng operators/owners at staff at mga babae na kanilang workers. At common na issue na rin ang hindi pagbigay ng salary sa mga staff at babae base sa napag-usapan nilang kasunduan.
Bago kayo mag-start ng work sa omise, make sure na confirm ninyo ang salary bases na sinusunod ng omise. Ito ba ay arawan ang bigay ng sweldo, or weekly or monthly. Then, sa paanong paraan ba nila ibibigay ang inyong sweldo, by cash or by bank deposit ba.
Kung hindi naibigay ng inyong employer sa omise ang salary ninyo base sa napag-usapan ninyo, at hindi ninyo magawa sa usapan lang, ang pwede ninyong lapitan ay ang 労働基準局 (ROUDOU KIJUNKYOKU) Labor Standards Bureau office na meron jurisdiction sa lugar ninyo. Maaaring sila ang mamagitan upang magbayad ang omise owner sa inyo.
In case na hindi pa rin sila mag-bayad, maaring mag-file na kayo ng charge laban sa kanila at daanin sa legal ways para magbayad sila, dahil sa kung hindi, maaari silang matanggalan ng license or permit at ma-force pa silang magbayad sa inyo ng inyong salary.