Teacher, huli sa paglagay ng hidden camera sa dressing room


Sep. 18, 2017 (Mon), 1,461 views

Aichi Nagoya. Ayon sa news na ito from Asahi news online, hinuli ng mga pulis ang isang high school teacher na lalaki, age 64 years old sa charge ng paglalagay ng hidden video camera sa loob ng dressing room ng mga teacher na babae.

Ang lalaki ay naglagay ng dalawang video camera upang makunan nya ng video ang pagpapalit ng damit ng kanyang mga co-teacher na babae. Inaamin naman ng lalaki ang charge sa kanya at ito ay nagpasa na rin ng resignation letter sa school ayon sa news.

Napansin ng isang teacher ang video bago sya magbihis at ito ay kanyang binalita sa kanilang head teacher. Tiningnan nila ang CCTV at dito nila nakita ang lalaking salarin ayon sa news. Ayon sa lalaki, na stress sya sa trabaho at sa kanyang private life kung kayat napunta ang attention nya sa pagkuha ng mga video ng patago.

BACK TO CATEGORY INFO LIST